Posted by bLackpearL on Aug 11, '10 11:21 PM for everyone
>_<: nakakainis ka! o_o: huh?! ako? bakit ako?! >_<: eh hindi ka kasi makagets ng sinasabi sa iyo. o_o: anong hindi makagets?
lolololololololololol..... xD
BlackPearl 081210 Thursday 11:19 am
Posted by bLackpearL on Jul 1, '10 5:27 AM for everyone
on that night of his birthday,
strong emotions filled my heart.
my head was so poetic,
but i couldn't get a pen and paper to write them down ---
all these thoughts---
what i really wanted;
vs. what i had to do.
i was thinking,
i wanted to end things my way...
but,
what's supposed to happen, happened.
it's hard,
the battle between what you want,
and what you need to do,
to be able to patch things up.
but i guess covering up the pain would just
leave the inside wound fresh for a longer time.
unlike, opening it up, letting it hurt like hell,
so it can fully recover.
they say, scars will remain, and only the memory of those are what'd stay,
but the pain?
no more.
i was wondering what it would be like,
remembering everything that happened,
yet not feeling any emotion anymore.
for once i felt numb,
too much ache causes numbness, i guess.
but that moment, i also feared,
what if i won't feel anything in the future anymore?
what if i become like a stone,
harder and harder in each and every heartbreak.
but it lasted for only a moment.
i still feel pain.
i still feel the sadness.
i still feel every single detail.
everything i wish i won't feel anymore --- i feel.
every word.
every smile.
every place.
every tear.
brings back the years i willingly wasted.
wasted on doing what's best for you.
and forgetting myself all the while.
Reaping the opposite of what was sowed
was a bit difficult to take.
i thought, what if i did the other way around?
what if i chose not to be a better person?
would things be a little different?
what if i wasn't the loser?
i don't want to be a loser.
i was wondering if being too kind makes one a loser.
and then...
after all the bullsh*t,
you, taking every good thing,
and me, taking all the pain.
a word never dies.
"Sorry".
and with all the stupidity that flows through my veins,
i wanted to kill myself for openheartedly
giving you these three words:
"i forgive you".
BlackPearl
070110
Thursday
5:09pm
Posted by bLackpearL on Jun 2, '10 9:37 PM for everyone
Umuulan ngayon. Suot ko ang jacket na bigay mo sa akin, noong araw na iyon, na na-surprise talaga ako at hindi ko inaasahan na bibigyan mo ako ng regalo, kahit wala namang okasyon. Nagulat ako, kasi hindi ka naman ganun, kahit tayo pa, tight ka sa budget lagi, at bihira mo naman ako i-surprise na ang dahilan ay “wala lang”. (sweetness?) Yun pala, mambababae ka, kinagabihan ng araw ding yun. Tonguenuhhh ka. Hinding. Hindi. Kita. Malilimutan.
BlackPearl 060310 Thursday 9:27 am
Posted by bLackpearL on Mar 10, '10 2:00 AM for everyone 1pm. after 12nn break. *phone rings* officemate: <my name>, tumawag kanina si (ex) , pero i said natutulog ka kasi breaktime. hindi na kita ginising. me: *smiles* thanks ha. salamat. :) after a while.... *phone rings* *officemate answers* officemate: *whispers* <my name>, si <whatever name>, idk... me: *whispers* sya? (ex) officemate: *whispers* idk, oo ata. me:*whispers* ok, ge, ako na. *me takes the phone* me: hello, HR. caller: hello, ako ito. me: sino po sila? caller: ako. me: sino po? caller: si <his name>. me: sino pong hinahanap nila? caller: ikaw. me: sino po? caller: si <my name>. me: sorry, sir, wala po si <my name> sa table niya eh. caller: ah! *long pause* me: sabihin ko na lang po na tumawag kayo. caller: sige, alam ko namang ikaw yan. me: *hangs up the phone*. lol >:)
BlackPearl 031010 Wednesday 3pm Posted by bLackpearL on Mar 4, '10 3:53 AM for everyone arekupuh! biglang sumasakit na naman ang puso ko. nalulungkot na naman ako. pano ako gagaling kung ang gamot na hinihingi ko ay hindi maaring ibigay hanggat hindi pa ako patay at manhid sa nararamdaman; paano gagaling ang damdaming nasaktan kung ang tamang paraan ng paggaling ay hindi ko alam.
BlackPearl 030410 Thursday 5:01pm Posted by bLackpearL on Jan 22, '10 3:06 AM for everyone Ilambes Ko Na Ba Nasabing Magmo-Move On Na Ako? Ilambes Ko Na Ba Nasabing Ok Na Ako? Ilambes Na Ba Akong Nagpanggap Na Ok Na Nga Ako? Ilambes Ko Na Bang Pinaniwala Ang Sarili Kong Ok Na Nga Ako? Ilambes Ko Na Bang Sinubukang I-Divert Sa Iba Ang Atensyon Ko? Ilambes Ko Na Bang Sinubukang Maglibang? Ilambes Ko Na Bang Pinilit Sumaya? Ilambes Ko Na Bang Ginustong Talikurana Ang Nakaraan? Ilambes Ko Na Bang Pinigilan, Upang Huwag Lumingon? Ilambes Ko Na Bang Sinubukang Tumanaw Na Lang Sa Hinaharap? MARAMING BESES. Pero Stuck Pa Rin Ako. Dito. 
BlackPearl 012210 Friday 3:08 pm Posted by bLackpearL on Jan 4, '10 4:29 AM for everyone 1. I do not know if it is myself to blame for my life to be intoxicated.2. Matalino naman ako. Pinili ko lang maging bobo. -Bob Ong 3. Long walks come together with thoughts rushing through my head, and after that, all that was said is forgotten. 4. It feels so sad: Him, being a huge part of my life; and me, wishing I was part of his. 5. My future frustrations in life: (a) being truly loved by the one I love; (b) getting married; (c) having children, and a happy family; (d) growing old with you. 6. Kung ayaw ni Bella kay Jacob Black, sakin na lang! ^_^ 7. I watch New Moon every night, and I will continue to do this to keep myself from crying to sleep. 8. How can you expect others to love you, if you don't even love yourself? 9. You cannot give what you do not have. Have some love. 10. I cry every night. every. night. always. 11. I wonder what my life could've been if I had turned you down the first ( or second, at least) time you hurt me so badly. 12. By then, I would've wondered what my life could have been if I had given you another chance. 13. This is the answer. Misery. 14. If I could blame anyone, I could've blamed you. But I blame myself instead. 15. I wonder how it feels like to be given flowers... Nah! Give me chocolates instead! xD 16. It's hard to let you know how bad I feel when you don't even care, it's better to tell you nothing at all. 17. One smile. I love you na! ayiiiiihhhh!!!! xD 18. If it's not real, you can't hold it in your hand, you can't feel it with your heart, and I won't believe it. But if it's true, you can see it with your eyes or even in the dark. -Paramore
***to be continued...
BlackPearl 010410 Monday 5:26 pm Posted by bLackpearL on Dec 16, '09 3:20 AM for everyone He was in pain.I said I love him. He said: "It wouldn't be painful if I don't love you." I asked if he'd rather not love me. He answered me with silence. Posted by bLackpearL on Nov 23, '09 10:17 PM for everyone
nakakapagod sumunod. yung tipong sunod ka nang sunod, kahit ayaw mo na; kahit alam mong mali na; kahit alam mong sumosobra na... nakakapagod lumagay sa katayuang palaging ikaw ang mali, wala kang magawa, dahil nasa ibang tao ang kapangyarihan, na kung tutuusin ay halos kapantay mo lang. san nagkatalo? marami silang salapi. kaya sila ang makapangyarihan. yun na lang ba talaga ang batayan? hindi nagkakamali ang mga maykaya, dahil halos sila na ang nagpapatakbo ng mga bagay-bagay? at walang magawa ang mahihirap dahil walang titingin sa kanila. walang manghihinayang kung mawawala sila. walang mag-aalala kung ano ang damdamin nila. kung nasasaktan ba sila o nahihirapan. ang tao ay walang pakialam. dahil likas sa tao ang pagiging makasarili. sasagipin muna ang sarili, higit sa kaninoman o anumang bagay sa mundong ito. di bale nang makaapak ng ibang tao, ang mahalaga ay huwag lang silang masisi. kung kasalanan at kasalanan din lang ang pag-uusapan, sino ba naman ang gustong umako nito? buti sana kung ang sistema ay: "akuin mo ang kasalanang sa iyo, at ang hindi ay pabayaan mo..." ngunit ang karaniwang nangyayari: "bakit aakuin ang kasalanan, kung mayroon namang ibang pagbabatuhan?" saklap, di ba?
BlackPearl 112409 Tuesday 11:09am Posted by bLackpearL on Nov 16, '09 2:31 AM for everyone AYOKO NA TALAGA!
Badtrip, palagi na lang ganito. Wala kang time sa akin, sa akin ang tira-tirang panahon, tyaga makipagusap, lahat-lahat na! Swerte ko kung maisingit pa ako sa sched mo... Nasan ang sinasabi mong ako ang priority mo sa buhay? Sinabi mo noon na pakakasalan mo ako.... Sinungaling! Tapos malalaman ko na lang na hindi pala totoo yun. Pinaikot mo lang ako! Mahal mo ba talaga ako? Pag namimiss kita, ikaw pa ang galit. Masama bang ma-miss kita? Eh totoo namang bihira tayo magkita. Niyaya kita manuod ng sine, umoo ka lang, kahit ang totoo eh wala ka naman talagang panahon sa akin, gusto mo lang matigil na ako. Tapos pakikipag-usap lang sa akin eh kinatatamaran mo pa? Mas gusto mo pang tumunganga kesa itext o kamustahin man lang ako...
Mabuti pa nga siguro na mawala na lang ako sa buhay mo. Mas magiging masaya ka siguro kung wala na ako. Tutal hindi naman talaga ako kawalan sa iyo. Lagi ako ang mali, childish, di makaintindi. Walang halaga kung ang taong mahal na mahal mo ay di ka naman mahal, di ka pinahahalagahan, at hindi man lang natatakot na mawala ka. Habang siya na ang itinuring mong buhay.
Palibhasa alam na alam mong kayang kaya mo akong paltan. Sige! Dyan ka sa mga babae mo. Alam mo kasing madaming beses na kitang pinatawad kahit niloko mo ako. Alam mo kasing mahal na mahal kita. Pero hindi na ngayon. Tatalikuran na talaga kita!
Wag mong i-expect na babatiin pa kita matapos nating maghiwalay. Ito naman ang gusto mo, di ba? Ang maghiwalay tayo. Ayaw mo lang ako diretsahin, dahil ayaw mong sa iyo ang sisi. Wag kang mag-alala, di na kita gagambalain, sa iyo nang lahat ng oras mo, at sa kung anumang bagay ang pinagkakaabalahan mo. Dyan ka na, maging masaya ka sana sa buhay mo.
Ang sakit sakit ng puso ko ngayon, tapos sya eh mas pinili pang tulugan ako, wala talagang kapaki-pakialam sa akin...
Boy: Tara, nuod tayo ng sine. Girl: Talaga? ok, bihis lang ako, kita tayo. :)
BlackPearl 111609 Monday 3:25pm Posted by bLackpearL on Nov 12, '09 4:01 AM for everyone  blackpearlshake is bored to death. 
pero sa sobrang boredom ko eh kung anuano na tuloy ang nagawa ko. hindi naman ako tsismosa by nature, pero ewan ko ba kung ano ang meron sa araw na ito at talaga namang nakasagap ako ng chizmax! (take note: nakasagap. HINDI sinadyang sumagap.)
anyways, natuwa / natawa naman ako. eto ha...
- may nakalkal ako sa admin account ng desktop computer na ginagamit ko sa office. nagkataon lang na may kelangan akong files... tapos pagclick ko ng isang folder... whoa! scandal! no.... hindi naman kasing lala ng hayden kho-katrina halili scandal, o hayden -maricar, etc... medyo discreet lang naman. pictures lang naman ng superiors at ng ibang high-ranking officials dito sa amin na naginuman sa bar at kumuha ng mga kasayaw na babae (bakla?!). kasi nung tinanong ko, sabi nila sobrang lasing na daw kaya di na nila maalala ( o nakita ang difference ng babaae at bakla). ew! ikakalat ko sana sa internet...pero on second thought... hmmm.... pamilyadong tao lahat sila... at malamang lamang eh hindi alam ng mga partners nila ang pinaggagawa nila.at....at.... hindi. ako. family. wrecker.
- nagtext sa akin yung isa kong kaibigan. dumalaw sya dun sa isa pa naming friend. nakasagap daw sya ng chizmax... at... at.... ayun, di ko sya napigilan, ipinasa niya sa akin ang nasagap niya! may nang-away kasi sa kanya noon. selos. pinagbintangan siyang kabit. pero ang totoo, at alam naman ng lahat na hindi yun totoo. and guess what?! yung taong nambintang sa kanya noon, sya ang kabit ngayon! ng sarili niyang ninong! ew. ang lesson: Mag-ingat sa Karma.
Friend... ang ganda ganda mo talaga! Karma has gone up +0.08 since last karma update.
- eto ang ultimate na nakapagpasaya sa akin today: nalaman ko na ang past ng past ko ay --- may bago nang present. gets mo? bwahahahahahaha (tawang demonyakerz).... pano ko nalaman?! eto ang nakakatawa eh. yung process ng pagkatuklas ko nun. kung anong itinago-tago ng bebot (wannabe) at nagfi-feeling pa-mysterious epek pa eh sya namang pangangalandakan ng jowaers niya sa buong mundo ng mga pics nila! nyahe! yung tipong kahit hindi naman ka-private-private eh nilagay niya sa private album, tapos ang jowa niya naman, kahit ka-private-private na eh naka public album pa rin. ayos! ( I would like to thank FS for all the hardships and happiness you brought to my life).
Life: Parang rainbow lang yan eh... hindi lahat ng kulay ay gusto ko.
eh bakit naman ako masaya kung gayon? kasi ibig sabihin nun, kung ang past ng past ko ay may present na, at ang past ko ay halos present ko na rin, sa future (sana) eh hindi na ako guguluhin ng past niya (gaya ng ginawa niya sa past) dahil ako naman talaga ang naunang naging past. gets? 
Hindi ka makakarelate sa ilang bahagi ng blog na ito kung wala kang account sa Plurk at kung may account ka naman ay hindi ka nagpu-Plurk .
BlackPearl 111209 Thursday 4:57pm
Posted by bLackpearL on Oct 26, '09 9:43 PM for everyone
naiinis ako. pero hindi ako pwede mainis. sayang kasi ang panahon ng buhay ko. sa bawat minutong maiinis ako, inaaksaya ko ang mga sandali na dapat eh masaya ako. smile. :) kelangan naka-smile. :) kasi kukunot ang noo ko pag nakasimangot; kukulubot ang mukha; pati ang aura, hindi maganda. pati mga tao sa paligid, masusungitan, tapos sasabihin nila, masungit ka. (syempre, alangan nagsungit ka na eh sabihin pa ring ang bait bait mo!) kahit may nang-iimbyerna sa umaga; kahit ang daming utos kahit break time; kahit hindi na magkandaugaga sa pinagsabay-sabay na pinapagawa; kahit maraming nagrereklamo; kahit na....kahit na..... kahit na ano pa. smile. :) (though your heart is aching.) at least, kahit buringot ka na sa buhay eh maganda ka pa rin. ^__^
BlackPearl 102709 Tuesday 9:38am Posted by bLackpearL on Oct 23, '09 2:55 AM for everyone Dear __________,
Miss na kita maghapon. Naiintindihan ko naman na busy ka, kahit di ka man lang magtext ng lunchtime. Tinext pa naman kita na miss na kita. No response. Buti na lang, di nag-aalboroto ang mood ko ngayon kaya hindi uminit ang ulo ko kahit wala kang reply sa sinabi ko. Yun lang. Pero totoo. Miss na kita.
BlackPearl 102309 Friday 2:46 pm Posted by bLackpearL on Oct 22, '09 11:46 PM for everyone Bihira mangyari sa akin 'to eh. yung tipong masaya nung previous day, tapos kinabukasan eh feeling-good pa rin. na-miss ko ang pakiramdam na ito. palagi na lang kasi "uptight" 'ika nga nung isa kong kaibigan. i need to "loosen up" a bit, sabi niya. eto. ok naman. masaya. :)
Bukod sa natuwa ako kahapon dahil angdaming may birthday ( at nagpakain silang lahat) eh mayroon na ring raise kami sa salary. ( oo, mukhang pagkain at mukhang pera ako.)
After work, nag-dinner kami ng officemates ko, tapos kasama din namin yung dati naming co-worker na nagpunta sa Dubai tapos ngayon eh umuwi ulit dito sa Pinas para magbakasyon.
Busog na busog na ako, pumunta pa ko pagkatapos nun sa berdeyan ng byenan ko. ( soon to be? o wannabe?) natuwa naman ako. kasi puro family members lang talaga. ako lang ang "sabit". pero welcome. masaya kasi sa Jollibee kami nagpunta (bida ang saya!) tapos kasama pa namin yung mga apo na laro ng laro tapos kakain tapos totopakin tapos maglalaro ulit tapos kakain ulit tapos totopakin ulit....
Pangatlong dinner ko sa bahay ng tropa. guess what? Birthday niya din!!!! yahooong yahoooo!!!! :D Posted by bLackpearL on Oct 16, '09 2:04 AM for everyone Dalawa lang yan eh. It's either may sense, o wala ang mabubuo ko sa blog na ito. I'm so dead, I can't think of anything. Parang sawang sawa na ang puso ko sa buhay na ito. 23 years. 23 years nang tila nakikipaglokohan sa akin ang buhay, o talagang ako lang ang pinapaikot niya sa kanyang palad.
- I have a heart that feels, ears that hear, and eyes that see; And with that, a mind and a mouth that complains. Don't hate me for that. That's me.
- I want to know important details about our lives, how you feel, what makes you happy, what makes you sad, how you feel about me, do you love me, or how long will this last, or if it's gonna last at all --- i don't care if u have to boil skinless longganisa first before you fry it.
- I feel so sorry for all the awful things I've done. I wish you feel the same for the worse mistakes you've made.
- You are sitting right next to me, and it feels like worlds apart. Can I hug you? So I could lie to myself for a while --- believing that you are near.
- I miss those times when I could die laughing; or forget about the world while resting on your chest. Too bad, all I can do now is accept that things change. With or without reason, I don't know... They just do.
- I can forget all the pain... Just be mine again.
- But you aren't mine. Guess you have never been.
- If i rest in my bed tonight, as I close my eyes, I wish not to wake up anymore;
- But before that, I'll leave a note, saying that if I die tonight, I'll tell my mom to blame you.
BlackPearl 101609 Friday 2:02pm Posted by bLackpearL on Sep 30, '09 3:47 AM for everyone 6 feet ang lalim ng iniisip ko habang nakasakay ako sa aircon bus na byaheng Lawton. Oo, malalim na ang six feet para sa akin, dahil hindi ako marunong lumangoy.
Hindi ko matandaan kung san banda tumigil ang bus (dahil patigil-tigil naman talaga sa bawat kantong madaraanan). Mula sa pagkakatitig ko sa labas ng bintana (na ang other side ay kawalan na) biglang lumipat ang aking paningin sa aisle ng bus. May sumakay na isang lalaki, mejo matangkad, mejo maputi, mejo may hawig kay Dion Ignacio ng StarStruck. Puro mejo.
Hindi ko na iyon pinansin, kahit nakuha nya ang atensyon ko ng mga ilang segundo. Hindi ko na pinansin. Hanggang sa naramdaman kong sa akin siya tumabi. Hindi ko alam ang dahilan, pero bumabaw ng konti ang iniisip ko nung mga panahong iyon. parang naging... 5.99 feet na lang. Bumabaw ng .01.
Diretso ang biyahe, kapag mejo napapaharabas ang bus, at matindi ang pagkaliko sa mga curves ng daan, ramdam ko ang pagdikit ng balikat at tuhod / binti niya sa akin. (so?)
Paliko sa may Covelandia, uminit ang daan. Hindi ko alam kung anong sapi ang bumalot sa akin nung mga panahong iyon, at hindi man lang ako kumikilos sa kinauupuan ko, kahit ayusin ang buhok ko o ang bag kong hawak, kahit ang magpalinga-linga, wala talaga. Para akong bato. (Stone mode).
Nag-react ang pasahero sa unahan ng upuan ko. Ang init daw. Tapos inabot ng katabi kong Dion-look-alike ang nakapulupot na kurtina sa bintana sa tabi ko, sabay tanong sa akin, kung ok lang ibaba yung kurtina...baka raw mainitan ako (mejo pabiro niyang sinabi yun). Ngumiti naman ako ng pag-sang-ayon. Bumabaw na naman ang inisip ko ng ilang points, naging 5.5 feet na lang.
Lalong nag-drop down (to 4 feet...3...2...) ang paglalayag ng aking balintataw nang nagsimula siyang i-chit-chat ako. San ka? Sa SM? Ako, sa Longos.... Dati ako sa SM Bacoor, nalipat ako sa SM SouthMall. Ikaw? blah blah blah.... Di ko maintindihan yung iba niyang sinabi, so since ang pinag-usapan namin ay trabaho, sabi ko sa EPZA naman ako nagtatrabaho. "Hindi... ang sabi ko, Jun ang name ko...ikaw?" Mejo napahiya ako, halatang sumagot ako ng hindi ko naiintindihan yung pinagsasabi niya. Nagpakilala rin ako. Acquaintance. Yun na siguro ang description sa mga sandaling iyon. Nagparamdam din siya ng interes sa akin. Hanggang sakong na lang, wala nang lalim ang iniisip ko. Mabilis lumipas ang oras, di ko namalayan kailangan ko na pala bumaba.
Nice meeting you. Parehong may ngiti sa aming mga labi nung maghiwalay kami.
BlackPearl 093009 Wednesday 3:44 pm Posted by bLackpearL on Sep 25, '09 12:50 AM for everyone "darating ang araw... mag-isa ka na lang..."
anong magagawa ko? noon pa man, mag-isa na talaga ako, wala naman nagmamahal sa akin ng totoo...
*magtiwala? sa tuwing nagtitiwala ako, sinasaktan lang ako ng taong pinagtiwalaan ko. *magpatawad? sa tuwing mayroong nagkasala sa akin, magsasabi ng "sorry", patatawarin ko. at inuulit-ulit lang nila ang kasalanan dahil alam nilang sa muling paglapit nila, magpapatawad ulit ako. *magmahal? totoo ang sinasabi nila, hindi ka pwedeng magmahal nang hindi ka nasasaktan.
dahil diyan...
hindi na.
hindi na ako magmamahal.
BlackPearl 092509 Friday 12:49pm Posted by bLackpearL on Aug 25, '09 4:17 AM for everyone betray oneself; try to smile; fool thru the eyes; stay a while. believe those lies; hide from the truth; behind it all --- the toxic root. lie with me, lie to me, everything here, blurry to be seen. cry with me, cry to me, swallow it all; be shallow, then fall. allow to pass through every little thing; be almost tough, sustain your being. if no one tried to hold your hand, be still, don't drop, you ain't made to collapse.
BlackPearl 082509 Tuesday 4:11pm Posted by bLackpearL on Aug 20, '09 1:41 AM for everyone 1. lechong dilis at sinigang na kanin sa miso.
2. lantang bulaklak na lalagyan ng biogesic para mabuhay pa.
3. ang pagsumplays ng boypren na ginamit na kasangkapan ang mga officemates ng gelpren niyang bibijan niya ng roses.
4. babaeng nainggit dahil di ganun ka-sweet ang jowa niya.
5. babaeng nakasimangot na nakasuot ng red na headband.
6. empleyadong pupunta sa singapore mag-isa at di alam ang gagawin.
7. maingay na aircon na ang tunog ay tila makina na makakarating ng baguio.
8. inaantok na author habang nagba-blog nito.
9. taong pinaasang pakakasalan, sabay iniwan.
10. ketsup at mayonnaise na inihalo sa milo drink bago inumin.
11. panaginip na binibigyan ng kahulugan.
12. bagong sahod, pero broke na naman.
13. ang ka-chat na conio.
14. makulit na galis.
15. kuting na kapangalan ng ex ng jowa.
16. isang biskwit at calderetang ham.
17. natatae, pero pinipigil.
18. mga pangakong kinalimutan.
19. mabahong hininga ; ninais magtoothbrush --- wala namang toothpaste!
20. wow! shiny hair! bagong relax?! shinyampoo ko lang yaaan...
...and it all began...when i met you!
pili ka na lang kung san ka nakaka-relate. kung meron man.
Posted by bLackpearL on Aug 19, '09 4:45 AM for everyone ...tapos akala mo yung parang ok na ang lahat..for the nth time, tinanggap mo na naman sya sa buhay mo, after all ng ginawa niya sa iyo:
-hindi ka maintindihan kapag nagpapaliwanag ka sa mga bagay na ikinagagalit nya, na akshuli, wala namang kakwenta-kwenta; -bigla na lang manlalamig (bangkay?) ng hindi mo alam ang dahilan; -yun pala, may iba na syang ka-flirt na babae; -maghihiwalay kayo out of misunderstanding "kuno" pero akshuli, gusto na nyang pormahan yung gurl na ka-flirt niya; -after ng almost 3-4 years ng on-off relationship ninyo, expected na affected ka talaga sa paghihiwalay ninyo, at understood na hindi madali magmove-on sa dami ng pinagdaanan at pinagsamahan ninyo na hanggang ngayon eh kumukurot pa rin sa puso mong pa-pump-pump pa rin ng blood at nagdurugo para sa kanya... -...tapos, malalaman mong naka-ilang palipat-lipat na pala siya sa kung kani-kaninong mga babae?! (hindi sya affected, ganun lang daw talaga) ; -at sa kabila ng pagtitiis mo at pagpupumilit talikuran ang nakaraan, pananahimik sa kabila ng sakit, biglang may lalapit sa iyo na isang babae --- *pak!* --- isang sampal ang sabihin niya sa iyong wag ka na manggulo sa buhay nila, mag-move on ka na dahil ikaw na lang ang problema sa maayos nilang relasyon. (hellow?! what did i do?! nananahimik ako?!); -at nalaman mong ang dahilan nun ay ang pag-amin ng ex mo sa current jowa niya na IKAW pa rin ang gusto niya.(kaya ikaw na nananahimik, ang siyang napagbuntunan ng jealousy-wannabe); -pero nang nalaman niyang inaway ka ng current jowaers niya, kinampihan niya pa rin ito, kahit sinaktan ka ng harapan. (pero mahal ka daw niya --- pero hinyaan niyang mangyari lahat ng iyon); -at ng magkahiwalay sila, at matapos niyang pagsawaan ang lahat ng babaeng umalembong sa kanya, heto siya at babalik sa iyo.
AT IKAW NA TANGA, BINALIKAN MO NAMAN!
yap! at ngayon, umuulit ang cycle. ooh yeah.... <please read above statements> enso onen soport...
| |